
Ang demand ay ang dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mga mamimili sa isang takdang presyo at partikular na panahon. Ang kakayahan kagustuhan ng tao na makamit at bilhin ang isang produkto o serbisyo ang nagtatakda ng kanyang pangangailangan at kagustuhan.
UGNAYAN NG PRESYO SA DEMAND NG TAO
ang presyo ang pinakamahalagang nagtatakda o determinant sa dami ng produkto.
BATAS NG DEMAND
Kapag tumataas ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin, at kapag bumaba ang presyo, tataas naman ang dami ng gusto at kayang bilhin.
CETERIS PARIBUS
Nangangahulugang ipagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakakaapekto rito.
SUBSTITUTION EFFECT
Kapag tumataas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura
INCOME EFFECT
Nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo
DEMAND = KAGUSTUHAN + KAKAYAHAN
DEMAND FUNCTION
Matematikong pagpapakita o paglalahad sa ugnayan ng presyo at quantity demanded sa pamamagitan ng formula:
Qd=a-bP
QD ANG DAMI NG DEMAND
A ANG DAMI NG DEMAND KUNG ANG PRESYO AY ZERO
B ANG SLOPE NG DEMAND FUNCTION
P ANG PRESYO
DEMAND SCHEDULE
Chart na nagpapakita ng bilang ng mga kalakal o serbisyo na hinihiling sa mga tiyak na presyo
Isang talahanayan na nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng presyo ng mga kalakal at ang halaga ng mga kalakal na nais bayaran ng mga mamimili sa kanila sa presyo na iyon
DEMAND CURVE
Grapikong representasyon ng batas ng demand
Isang linya maaaring tuwid o kurba na nagpapakita ng negatibong relasyon ng presyo ng isang produkto at ang bilang ng produktong handang bilhin ng mamimili
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DEMAND
1. KITA NG MGA MAMIMILI
2. POPULASYON O DAMI NG MAMIMILI
3. PANLASA
4. PRESYO NG MAGKAUGNAY NA PRODUKTO SA PAGKONSUMO (Complementary at Substitute Products)
5. INAASAHAN NG MGA MAMIMILI SA PRESYO SA HINAHARAP
6. OKASYON
7. PANAHON O KLIMA

SUPPLY O PANUSTOS
Dami ng produkto o serbisyo na gustong ibenta ng mga produsyer sa isang takdang presyo at partikular na panahon
KAUGNAYAN NG PRESYO SA SUPPLY NG MGA PRODUKTO
Presyo ang pinakamahalagang nagtatakda o determinant sa dami ng supply
BATAS NG SUPPLY
Kapag tumataas ang presyo tataas ang dami ng gusto at kayang ibenta at kapag bumababa ang presyo bababa naman ang dami ng gusto at kayang ibenta (ceteris paribus)
MATHEMATICAL FORMULA
SUPPLY = PAGNANAIS + KAKAYAHAN
SUPPLY SCHEDULE
Isang talahanayang nagpapakita kung gaano karaming produkto o serbisyo ang nais gawin ng mga produsyer
SUPPLY CURVE
Grapikong representasyon kung gaano karaming produkto o serbisyo ang nais gawin ng mga produsyer
SUPPLY FUNCTION
Isang mathematical equation na nagpapakita sa relasyon ng dami ng supply at presyo
QS=a+bP
qs ang dami ng supply
a ang dami ng supply kung ang presyo ay zero
p ang presyo
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA SUPPLY
Pagbabago sa teknolohiya
pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksyon
pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda
pagbabago sa presyo ng kaugnayan ng produkto (complementary at substitute products)
Ekspektasyon ng presyo
Okasyon o tradisyon
Panahon o klima
Kalamidad
Dali ng pagkasira o pagkabulok ng isang produkto
Subsidya o tulong mula sa pamahalaan





ELASTISIDAD
Pamamaraan upang masukat ang pagtugon ng mga mamimili at nagtitinda sa pagbabago ng presyo
ELASTISIDAD NG DEMAND
Pagsukat ng porsyento ng pagtugon ng mamimili sa bawat porsyento ng pagbabago ng presyo
ELASTISIDAD NG SUPPLY
Pagsukat ng porsyento ng pagtugon ng nagtitinda sa bawat porsyento ng pagbabago ng presyo
MGA URI NG ELASTISIDAD
ELASTIK
Mas malaki ang naging bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded o quantity supplied kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo
Ang coefficient ay greater than 1
DI-ELASTIK
Kapag maliit ang naging bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded o quantity supplied kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo
Ang coefficient ay less than 1
UNITARY
Pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng quantity supply
Coefficient ay equals 1
GANAP NA ELASTIK O PERFECTLY ELASTIC
Ano mang pagbabago sa presyo ay magdudulot ng infinite na pagbabago sa quantity supplied or quantity demanded
Coefficient ay infinity
GANAP NA DI-ELASTIK O PERFECTLY INELASTIC
Nangangahulugan ng quantity demanded o quantity supplied ay hindi tumutugon sa pagbabago ng presyo
Coefficient ay zero


EQUILIBRIUM
Isang kalagayan na walang sinuman sa mamimili at nagbibili ang gustong baguhin ang kasalukuyang sitwasyon sa pamilihan
Ipinapakita nito ang pagkakasundo na bumibili at nagbibili sa isang takdang presyo at dami ng produkto
PUNTO NG EKILIBRIYO
Ang punto kung saan nagkaroon ng interaksyon ng demand at supply.
MGA KAGANAPAN SA PAGBABAGO SA PAMILIHAN
1. PAGLIPAT NG SUPPLY CURVE PAKANAN SUBALIT WALANG PAGBABAGO SA DEMAND CURVE
2. PAGLIPAT NG SUPPLY CURVE PAKALIWA SUBALIT WALANG PAGBABAGO SA DEMAND CURVE
3. PAGLIPAT NG DEMAND CURVE PAKANAN SUBALIT WALANG PAGBABAGO SA SUPPLY CURVE
4. PAGLIPAT NG DEMAND CURVE PAKALIWA SUBALIT WALANG PAGBABAGO SA SUPPLY CURVE
5. PAREHAS ANG PAGLIPAT NG DEMAND AT SUPPLY CURVE PAKANAN SA PAREHAS NA BAHAGDAN
6. PAREHAS SA PAGLIPAT NG DEMAND AT SUPPLY CURVE PAKALIWA SA PAREHAS NA BAHAGDAN
7. PAREHAS NA LUMIPAT ANG DEMAND AT SUPPLY CURVE PAKANAN SUBALIT MAS MALAKI ANG BAHAGDAN NG PAGBABAGO NG DEMAND SA SUPPLY
8. PAREHAS NA LUMIPAT ANG DEMAND AT SUPPLY CURVE PAKANAN SUBALIT MAS MALIIT ANG BAHAGDAN NG PAGBABAGO NG DEMAND SA SUPPLY
9. PAREHAS NA LUMIPAT ANG DEMAND AT SUPPLY CURVE PAKANAN SUBALIT MAS MALAKI ANG BAHAGDAN NG PAGBABAGO NG SUPPLY KAYSA SA DEMAND
10. PAREHAS NA LUMIPAT ANG DEMAND AT SUPPLY CURVE PAKANAN SUBALIT MAS MALIIT ANG BAHAGDAN NG PAGBABAGO NG SUPPLY KAYSA SA DEMAND
11. PAREHAS NA LUMIPAT ANG DEMAND AT SUPPLY CURVE PAKANAN SUBALIT MAS MALAKI ANG BAHAGDAN NG PAGBABAGO NG DEMAND KAYSA SA SUPPLY
12. PAREHAS NA LUMIPAT ANG DEMAND AT SUPPLY CURVE PAKANAN SUBALIT MAS MALIIT ANG BAHAGDAN NG PAGBABAGO NG DEMAND KAYSA SA SUPPLY
13. PAGLIPAT NG SUPPLY CURVE PAKANAN AT PAGLIPAT NG DEMAND CURVE PAKALIWA SA PAREHAS NA BAHAGDAN
14. PAGLIPAT NG SUPPLY CURVE PAKALIWA AT PAGLIPAT NG DEMAND CURVE PAKANAN SA PAREHAS NA BAHAGDAN
15. WALANG PAGBABAGO SA DEMAND AT SUPPLY
DISEQUILIBRIUM
Ang dami ng demand ay maaaring kulang o sobra sa dami ng supply
DAMI NG DEMAND EQUALS DAMI NG SUPPLY
SURPLUS
Ang dami ng supply ay mas marami kung ihahambing sa dami ng demand
DAMI NG DEMAND IS LESS THAN DAMI NG SUPPLY
SHORTAGE
Ang dami ng demand ay mas marami kung ihahambing sa dami ng supply
DAMI NG DEMAND IS GREATER THAN DAMI NG SUPPLY


PAMILIHAN
LUGAR KUNG SAAN NAGAGANAP ANG EPEKTIBONG TRANSAKSYON SA PAGITAN NG MAMIMILI AT PRODUSYER.
Ang naganap na interaksyon na ito ang nagpapakita ng pag-ugnayan pagkakasundo ng mamimili at tindera.
3 ELEMENTO NG PAMILIHAN
Produsyer, Produkto at Mamimili.
MGA URI NG PAMILIHAN
1. LOKAL
2. PANREHIYON
3. PAMBANSA
4. PANDAIGDIGAN
ESTRUKTURA NG PAMILIHAN
GANAP NA KOMPETISYON
- sino mang negosyante ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan.
MGA KATANGIAN:
1. Magkakatulad ang mga produkto
2. Marami ang mga mamimili at tindera ng produkto
3. May kalayaan sa paglabas at pagpasok sa negosyo
4. Malayang paggalaw ng mga salik ng produksyon
5. Sapat na kaalaman at impormasyon
DI-GANAP NA KOMPETISYON
Malaki ang pagkakaiba sa ganap na kompetisyon dahil may kumokontrol sa presyo, may hadlang sa pagpasok ng negosyante at tindera sa industriya, nabibilang ang dami ng mamimili at negosyante, at limitado ang pagpipiliang produkto.
MONOPOLYO
Iisa lamang ang nagbebenta ng produkto na nangangahulugang may isang produsyer na kumokontrol ng malaking porsyento ng supply ng produkto sa pamilihan.
MONOPOLISTA ang tawag sa nag-iisang produsyer ng produkto sa pamilihan.
PRODUSYER sa monopolyo ay ang tinuturing na price maker dahil sila ang may kapangyarihan na magtakda ng presyo.
MONOPSONYO
Ito ay kabaliktaran ng monopolyo dahil mayroon lamang iisang mamimili ng produkto. Ngunit marami ang maaaring lumikha ng produkto at serbisyo.
OLIGAPOLYO
Mayroon itong kakaunting produs6er at halos magkakaparehong produkto at serbisyo na ipinagbibili. Ang mga produkto rito ay nakikilala sa kanilang brand name.
COLLUSION ang tawag sa pagsasabuhatan ng mga kumpanya upang matamo ang kapakinabangan
sa negosyo.
MONOPOLISTIKONG KOMPETISYON
Mayroong pare-parehong produkto na ipinagbibili ngunit magkakaiba ang mga sangkap na ginamit sa produkto disenyo at ang nag-prodyus. Dito ay itinuturing na monopolista ang mga producer ng sariling produkto. Ilang halimbawa ay mga sabong pampaligo tulad ng safeguard at dove.


PRICE CONTROL
Ito ay ginagawa kapag naharap sa matinding krisis at kalamidad ang maraming lalawigan sa bansa at kapag ito ay nasa state of calamity na.
Ito rin ay para tulungan at bigyang proteksyon ng mga mamimili laban sa mga abuado at mapagsamantalang tindera at negosyante.
REPUBLIC ACT 7581 O PRICE CONTROL ACT
Ipinapatupad upang maisagawa ng pamahalaan ng pagkontrol sa presyo ng mga bilihin.
PRICE CEILING
Ito ang pinakamataas na presyong itinakda ng pamahalaan sa pagbili ng mga produkto. Naaayon ito sa pagpapatupad ng price control ng pamahalaan.
Ito ay mas mababa sa equilibrium price.
PRICE FREEZE
Ito ay ang pagbabawal ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin o serbisyo
MAGANDANG EPEKTO:
Mapanatili ang abot kayang presyo para sa mga mamimili
Naipagtatanggol ang kapakanan ng mahihirap
Napapanatili ang katatagan ng presyo
DI-MAGANDANG EPEKTO
Maaaring magulang ang supply ng produkto kapag sobrang baba ng presyo
Maaaring mawalan ng gana ang mga produsyer
Maaaring magkaroon ng ilegal na bentahan o black market
PRICE FLOOR/FLOOR PRICE
Ito ang pinakamababang presyo na maaaring bilhin ang isang produkto.
Ito ay mas mataas sa equilibrium price na umiiral sa pamilihan.
PRICE SUPPORT
Para sa kapakanan ng mga produsyer at nagsasaka na makabawas sa mga gastusin at produksyon at magkamit sila ng kita sa kanilang pamumuhay.
MGA SAGOT
1. Demand
2. Price floor
3. Equilibrium
4. Ipinapatupad upang maisagawa ng pamahalaan ng pagkontrol sa presyo ng mga bilihin.
5. Iisa lamang ang nagbebenta ng produkto na nangangahulugang may isang produsyer na kumokontrol ng malaking porsyento ng supply ng produkto sa pamilihan.